Masaya ako sa dekada otsenta. Parang lahat masaya. Makulay, maingay. Panahon ni Madonna. Shempre Michael Jackson pa. Sa Plipinas, Gary V. naman. Tsaka sino ba yun, yung si Lilet ba? At kung talagang eytis beybi ka, tiyak tanda mo pa ang Bagets.Bata pa ko, alam kong magiging paborito kong panahon ang eytis. Lumaki ako na kumakanta ng "Abra, Abra Cadabra..." tsaka yung "Cheek to Cheek". Tanda niyo to? Pati mga pelikulang pinapanood ko, kungdi Aga Muhlach eh Lito Lapid (di niyo lam sikat si Lito Lapid nung eytis no!)
Tsaka ewan ko ba kung bakit di ako mahilig sa Jollibbe o Mcdo nung bata. Haha, nde yun ang sikat noon mga repapips! Kung in ka noon at spoiled ka ke mudra at fudra, sa Cindy's ang kainan mo tuwing recess. Hay, dapat marami pako ikukuwento eh. Pero saglit lang ha...manonood muna ako Eat Bulaga... Ay lam niyoba, nung eytis, me Eat Bulaga na. Pero ang nagiisang host na babae noon eh si Connie Reyes. Tapos naalis si Connie kase naging kabit ni Vic Soto... Ay teka, manonood na ko.
Nga pala, yung piktyur dyan, dapat eytis get up yan. Nakatuwaan ko sa opis. Bakit, maganda naman ah..Makulay, devah? Tapos maingay ako...so Makulay, maingay...Im an eytis beybi olrayt.