Friday, October 24, 2014

Usapang Lolo't Lola

I'm a martial law baby alright. 
Pinanganak ako 1979 at nagkamuwang ang isip noong panahong umuwi't napatay si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 1982. 
Pero hindi ko idi-discuss ang martial law dito at hindi ako magiging pulitikal dito sa post ko na to. Sa ibang panahon natin paguusapan ang love and hate relationship ko sa mga Marcos.

Ang 80's, on a more personal note, ay panahong lahat ng mga mahal ko sa buhay, mula lolo, lola hanggang apo (sa akin at sa mga kapatid ko at mga pinsan) ay buhay at kumpleto pa. Nawalan ako ng lola noong 1987. First time ko yatang makakita ng labi ng patay nang malapitan noon. At hanggang ngayon, 27 years later, tanda ko pa rin kung paanong me humaplos sa aking malamig na hangin habang papalapit ako sa unang pagkakataon sa labi ng yumao kong lola. 9 years old lang ako noon pero doon ako nagsimulang maniwala sa  after life. 

Matagal-tagal din na naging biyudo ang lolo ko. 23 years din bago siya sumunod kay Nana sa kabilang ibayo. Ngayon, parehong pares ng lolo't lola ko, wala na. Ang paborito kong "lula" na kapatid ng lolo ko, namahinga na rin nung nakaraang taon lang.

Naisip ko lang, dumarating pala sa buhay yung marerealize mo na hindi ka na "apo" kasi walang nang tatawag sayo ng apo. Maiiwan ang pagiging anak, pamangkin, kapatid, pero apo, nawawala yan kasabay ng pagkamatay ng mga lolo't lola mo.

Bakit ba paraang nahipan ako ng hangin at biglang nagsulat ng ganito? Wala naman, nakakamiss lang magkaroon ng lolo't lola. Parang pag kasama mo sila, walang mali sa mundo, walang masama. Yun bang alam mong kahit makatulog ka ng walang kumot, meron at merong magtatalukbong sa yo kahit gaano na kalalim ang gabi. Yung pag naghanap ka ng halo halo sa hapong tirik na tirik ang araw, alam mong me mahihingan ka ng bente na walang kasamang pagalit.At yung pag nagbabakasyon ka sa probinsya, alam mong me nakaantabay sa pagdating mo at laging nagmamadaling salubungin ka? Nakakamiss.

Malapit na ang All Soul's Day. Hind ako makakauwi ngayong taon, katulad ng iba pang taon at All Soul's Day na lumipas. Hindi ako madalas dumalaw sa mga puntod ng lolo't lola ko. Pero sa isip? Lagi ko silang kausap, magpa-hanggang ngayon. 

Thursday, February 23, 2006

80's

Masaya ako sa dekada otsenta. Parang lahat masaya. Makulay, maingay. Panahon ni Madonna. Shempre Michael Jackson pa. Sa Plipinas, Gary V. naman. Tsaka sino ba yun, yung si Lilet ba? At kung talagang eytis beybi ka, tiyak tanda mo pa ang Bagets.

Bata pa ko, alam kong magiging paborito kong panahon ang eytis. Lumaki ako na kumakanta ng "Abra, Abra Cadabra..." tsaka yung "Cheek to Cheek". Tanda niyo to? Pati mga pelikulang pinapanood ko, kungdi Aga Muhlach eh Lito Lapid (di niyo lam sikat si Lito Lapid nung eytis no!)

Tsaka ewan ko ba kung bakit di ako mahilig sa Jollibbe o Mcdo nung bata. Haha, nde yun ang sikat noon mga repapips! Kung in ka noon at spoiled ka ke mudra at fudra, sa Cindy's ang kainan mo tuwing recess. Hay, dapat marami pako ikukuwento eh. Pero saglit lang ha...manonood muna ako Eat Bulaga... Ay lam niyoba, nung eytis, me Eat Bulaga na. Pero ang nagiisang host na babae noon eh si Connie Reyes. Tapos naalis si Connie kase naging kabit ni Vic Soto... Ay teka, manonood na ko.

Nga pala, yung piktyur dyan, dapat eytis get up yan. Nakatuwaan ko sa opis. Bakit, maganda naman ah..Makulay, devah? Tapos maingay ako...so Makulay, maingay...Im an eytis beybi olrayt.

Thursday, February 16, 2006

Baduy Domination

ETO NA ANG BLOG NG MGA BADUY! OO IKAW! AKO! TAYONG LAHAT AY BADUY DITO!
Letci, nagbloblog pala mga baduy no? Baduy domination na ito o! Game!